Dalawa

DALAWA Luna Sikat
DIRECTED BY: Jo-an Belicena
December 1-2, 1986
Rizal Conference Hall

Nagbigay ng kakaibang uri ng kahalagahan sa salitang KAIBIGAN. Ito ay ang dulang DALAWA na buong husay na ikinatha ni Bb. Luna Sikat.

Ang dulang ito ay tumutukoy sa dalawang mag-kaibigang babae na may di-karaniwang pagsasamahan. Si Rita ay isang 18 taong gulang na biktima ng pagsasamantala, at itong madilim na karanasan ang ginagawa niyang dahilan sa tila nakapiit niyang kaisipan, masamang paningin sa mundo, at kawalang halaga sa buhay. Si Jiji, ang tanging matalik na kaibigan na handang mag-abot ng sariling tulong ngunit naghi-hintay ng ibang uri ng kabayaran.

Kung paano nila nalutas, o kundi man ay natakasan ang sarili nilang problema ay siyang tatalakayin ng dulang ito.

Itinampok sina Ching Flores sa papel na Jiji, at Meann Ines sa papel na Rita, sa direksiyon ni Jo-An Belicena. Direktor na pang-Teknikal si Vic Torres, Tagadisenyo ng Ilaw at tagapag-lapat ng tunog si Arnold Clavio at Bugsy Sison. Oktubre 1986, Rizal Conference Hall, St. Raymund’s Building, UST.

Public

There is no content in this space.