Christian Victor C. Miguel
“To my fellow actors, keep moving forward. A great mentor once told me that if you think that you are the best, that’s already your downfall because there’s no more room for improvement. Keep your feet on the ground. Always empty your glass. Keep on learning and feeding you art. And also, don’t forget to enjoy and savor every moment…”
∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼∼
Plays participated in :
Ang Kalungkutan ng mga Reyna (Asst. Technical Director) Sa Huling Pahina (Technical Director) Para Kay B (Asst. Technical Director)
Plays acted in :
Ang Kalungkutan ng mga Reyna (Heneral Miguel Rojo) Final Mark (Cast Mover: Delinquent student) Sa Huling Pahina (Koro: Crisostomo Ibarra) Ang Mga Filibustero (Simoun) Bien Aligtad (Benjamin Disgrasya) Para Kay B (Jordan)
Favorite Role/s Played :
Ang Mga Filibustero (Simon)
“Handa na ako!” Yan ang sabi ko noon sa sarili ko if ever man na magkaroon ng sequel ang dula naming na Sa Huling Pahina, kung saan gumanap din ako bilang Juan Crisostomo Ibarra.
Nagkaroon din ng usap-usapan at bulung-bulungan na hindi daw El Fili ang piyesa ng susunod na dula. Pero handa parin ako, sabi ko sa sarili ko. Ang utak, puso at kaluluwa ko ay handa na sa role na ito. At yun na nga, nang sabihin nila na El Fili ang piyesa, at si sir Vic pa ang writer ng piyesa, hindi na talaga ako nagdalawang isip na kunin at i-audition ang role na Simoun. It was a rewarding experience from start to finish. Kahit na sa likod ng kurtina, sa proseso ng critic’s night, sa production people ay parang modern day life kami ng El Filibusterismo. Lahat kami ay nakaka-experience kaliwa’t kanang isyu. Pero ginawa ko na lang ito na motivation sa karakter ko. Ganun naman si Simoun di ba? Punong-puno ng galit sa mga taong lumapastangan sa kanyang buhay. Kaya imbes na magpaapekto, dinaan ko na lang sa pag-arte.
Bien Aligtad (Benjamin Disgrasya)
One of the most memorable plays ito para sa akin dahil from the start to finish, good vibes lahat ng Production people. I have to thank Sir Jay Sison and the cooperation of the EB back then. “Pwede naman pala eh”. Those words were uttered by Sir Jay nung Cast Party. “Pwede naman gumawa ng play na hindi nagsisigawan.” Dagdag pa rito ang nature ng role ko, si Bien Aligtad ay parang combination ni Ibarra at Simoun, may transformation during play.
Dalawang scenes ang favorite ko dito. First is the Hold up Scene. Dapat perfectly timed yung labas at pasok dahil naka-oras at fixed ang cues ng sounds. Thrilling and enjoy mang-hold up at mang-bully ng koro. Second is the Patay ka Scene wherein Bien would kill one of the Berdugos. Then a breaking of fourth wall will happen. Kakausapin nya ang mga audience at kakantahan niya ng isang marubdubin lyrics ang mga tao. Forever ako magiging thankful na nabigyan ako ng opportunity to play the role of Bien. If ever man na magka-rerun ang piyesa na ito, hindi ako magdadalawang isip na bumalik muli.
Para Kay B (Jordan)
Portraying one of the characters in Ricky Lee’s Para Kay B is an honor and dream come true. Maraming fans ang kanyang masterpiece at ganun narin kalaki ang expectations nila sa play na ito kaya dagdag pressure din sa Production people. Ako mismo ay fan ng kanyang libro kaya lubos ang aking pasasalamat dahil natanggap ako sa auditions. Kahit na nakakatanda na ako at kilala ko ang director, iba parin talaga ang kaba kapag nasa auditions ka. Para ka ulit bumabalik sa pagiging SA na walang kamuwang-muwang sa mundo ng teatro. Sabi ko sa sarili ko na mukhang matatagalan pa bago ako bumalik sa teatro ulit upang umarte kaya ibubuhos ko na ang lahat-lahat. At hindi rin naman kami binigo ng mga audience.
Sumikat at naging word of mouth ang produksyon. At ang ilang beses na panunuod pa ng maylikha na si Ricky Lee ay sobrang nakakataba ng puso. Isang malaking WORTH IT ang experience. Iba talaga ang teatro. Buong-buo ang pagkatao ko pagkatapos ng produksyon. Mauulit pa ito. Hindi pwedeng hindi.
Awards Received :
Best Actor (as Simoun, Ang Mga Filibustero)
Walang halong bola, hindi ko talaga inaasahan na matatanggap ko ang award na ito. Literal na habang iaannounce na nila ang Best Actor in Lead Role, wala akong pakialam sa resulta. Busy ako kumakain at umiinom ng masarap na iced tea. Kaya nung tinawag na ang pangalan ko, kumunot na mga kilay ko at tumingin sa paligid. Nasabi ko sa sarili ko na, “Bakit ako?”. Pero gayun pa man ay lubos ang aking galak at pasasalamat sa biyayang natanggap. Alam ko na gift ito ng Maykapal at ni Mother T sa akin. Bonus na lang po ang award na ito. Mas importante parin na naihatid ng maayos ang mensahe sa mga taong nanuod ng produksyon. Yun ang tunay na the Best. >>